April 24, 2008

Sino ba naman ang mag aakalang hahantong sa isang pag iibigan ang minsay naging tuksuhan nung mga bata pa kami?
Magkapitbahay kami ni pangit, magkababata, magkaklase at dpat magkalaro din pero sa kadahilanang mga bata pa lang kami tinutukso na kami ng aming mga magulang sa isa't isa kaya ni minsan hindi nangyari un.
Malinaw pa sa alaala ko kung paano kami tuksuhin ng mga magulang namin noon. Tuwing napapadaan ako sa kanila sasabihin ng Tatay nia "Bhing, si boboy uya" at kapag siya naman ang napapadaan sa amin sasabihin naman ng Papa ko "Boy, si bhing2". Kinalakihan na namin ang ganung biruan at kahit mga kamag anak at kapitbahay nakisunod na rin sa biruang un.
Sadyang bata pa nga kami at hindi kami marunong sumakay sa mga biruang katulad nun. Napipikon kami tuwing tutuksuhin kami ng ganun kaya iniiwasan namin ang magkasama sa isang lugar na kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na tuksuhin kami. Dahil doon ni minsan hindi kami naging magkalaro man lang.
Naging magkaklase kami hanggang grade 4 pero ganun pa rin hindi man lang kami naging mag kaibigan.


0 comments:

Related Posts with Thumbnails